(Go: >> BACK << -|- >> HOME <<)

Pumunta sa nilalaman

Tangkang pagpatay kay Donald Trump

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Noong Hulyo 13, 2024, nasugatan si dating pangulong Donald Trump ng Estados Unidos sa isang pamamaril sa isang kampanyang rali sa isang lungsod ng Pennsylvania.[1] Ang katauhan sa rali at sa mga bidyo ay nagpakita na si Trump ay dumudugo mula sa kanyang kanang tainga matapos ang pamamaril.[2] Itinaas niya ang kanyang kamao sa ere nang ilang segundo. Siya'y agad na dinala sa isang sasakyan pagkatapos.[3][4] Sinugod siya sa ospital.[5][6] Napatay ang hinihinalang bumaril. Isang tao ang namatay, at dalawa pang tao ang nasugatan.[7]

Ang katauhan sa rali at mga tagabalita ay nagsabing maraming putok ang narinig.[8][9] Ang potograpo ng New York Times na si Doug Mills, na naroon sa rali, ay nag-ulat na may narinig na tatlo hanggang apat na putok ng baril.[10] Ang insidente ay iniimbestigahan bilang isang tangkang pagpatay.[11][12] Ito ang unang pagkakataon na isang kasalukuyan o dating presidente ng Estados Unidos o kandidato sa pagkapangulo ang binaril mula nang subukan ang tangkang pagpatay kay Ronald Reagan noong taóng 1981.[11]

Kinalabasan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pinoprotektahan ng mga ahente ng Serbisyong Lihim ng Estados Unidos si Trump habang itinaas niya ang kanyang kamao.[13] Isang tagapagsalita ng Serbisyong Lihim ang nagkumpirma na "may nangyaring insidente" at sinabi na si Trump ay "ligtas."[14] Ayon sa tagapagsalita ng kampanya na si Steven Cheung, siya'y sinuri nang mabilis sa isang lokal na pasilidad medikal.[15] Ang seguridad sa Trump Tower ay pinalakas ng Kagawarang Pampulisya ng Lungsod New York.[16]

Bumaril[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang salarin ay si Thomas Matthew Crooks [en]. Siya'y 20 taóng gulang. Nakatira siya sa Bethel Park, Pennsylvania. Ito'y humigit-kumulang 43 milya mula sa Butler, Pennsylvania. Dahil 20 taóng gulang pa lang siya, wala pa siyang sapat na gulang upang bumoto sa halalan sa pagkapangulo ng Estados Unidos noong taóng 2020 ngunit maaari na siyang bumoto sa mga estado o lokal na halalan pagkatapos niyang maging 18 taóng gulang. Sinasabi sa mga talaan ng pagboto ng Pennsylvania na si Crooks ay miyembro ng Partido Republikano, katulad ni Donald Trump. Ngunit nagbigay din si Crooks ng US$15 sa ActBlue, isang grupo na liberal, noong siya'y 17 taóng gulang.[17]

Iba't ibang mga tao ang nagsasabi ng iba't ibang mga bagay tungkol kay Crooks. Sabi ng ilang taong kasama niya sa paaralan, tahimik siya at inaapi siya. May nagsasabing matalino at mabait siya. Simula noong Hulyo 2024, hindi alam ng awtoridad kung bakit pinaputukan ni Crooks ang rali ni Trump.[17]

Larawan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang potograpo na si Evan Vucci ng Associated Press ay kumuha ng mga larawan ni Trump na duguan at nag-aangat ng kanyang kamao sa ere, napapaligiran ng mga kasapi ng Serbisyong Lihim, at kasama ang bandila ng Estados Unidos sa likuran.[18] Ang mga larawan ay kumalat agad sa social media at telebisyon at malawakang ipinakita ng kanyang mga pinakakilalang kaalyado, kabilang ang National Republican Senatorial Committee, mga kasapi ng kanyang pamilya, at mga Republikanong kasapi sa Kongreso.[19] Ang larawan ay isa sa mga pinaka-tinatakdang sandali ng pamamaril.[20]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. Gold, Michael; Levien, Simon J. (Hulyo 13, 2024). "Live Election Updates: Trump Rushed Off Stage at Rally After What Sounded Like Shots". The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Nakuha noong Hulyo 13, 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Meyer, Matt; Shelton, Shania; B. Powell, Tori (Hulyo 13, 2024). "Live updates: The latest on the 2024 campaign | CNN Politics". CNN (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hulyo 13, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Layne, Nathan; Mcdermid, Brendan; Mason, Jeff (Hulyo 13, 2024). "Trump shot in right ear at campaign rally, shooter dead". Reuters. Nakuha noong Hulyo 13, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Gold, Michael; Barnes, Julian E.; Levien, Simon J. (2024-07-13). "Live Updates: Trump 'Safe' After Shooting at Rally; Suspected Gunman Killed". The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Nakuha noong 2024-07-14.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Hayes, Christal. "Trump, with blood on face, raises fist in air". BBC. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 14, 2024. Nakuha noong Hulyo 13, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Live updates: Trump says he was shot in the ear during rally; one attendee and shooter are dead". AP News (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 13, 2024. Nakuha noong Hulyo 13, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Barnes, Julian E.; Gold, Michael; Levien, Simon J. (Hulyo 13, 2024). "Live Updates: Trump 'Safe' After Shooting at Rally; Suspect Killed". The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 13, 2024. Nakuha noong Hulyo 13, 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Gunshots reportedly fired at Donald Trump rally - as former president rushed off stage". Sky News.
  9. "Trump rushed off stage at Pennsylvania rally as loud noises heard". BBC.
  10. null (Hulyo 13, 2024). "Update from Maggie Haberman". The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Nakuha noong Hulyo 13, 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. 11.0 11.1 Colvin, Jill (Hulyo 13, 2024). "Shooting at Trump rally is being investigated as assassination attempt, AP sources say". AP News (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 13, 2024. Nakuha noong Hulyo 13, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Smith, David; Vargas, Ramon Antonio (Hulyo 13, 2024). "Trump rally shooting being investigated as suspected attempt on his life". The Guardian (sa wikang Ingles). ISSN 0261-3077. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 14, 2024. Nakuha noong Hulyo 13, 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Lawther, Fran (Hulyo 13, 2024). "Donald Trump rushed off stage at rally after sound of gunshots ring out – live updates". The Guardian. Nakuha noong Hulyo 13, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. null (Hulyo 13, 2024). "Update from Michael Gold". The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Nakuha noong Hulyo 13, 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. null (Hulyo 13, 2024). "Update from Michael Gold". The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Nakuha noong Hulyo 13, 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Reid, Alecia (Hulyo 14, 2024). "Security increased at Trump Tower in NYC after Trump rally shooting in Pennsylvania". CBS. Nakuha noong Hulyo 14, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. 17.0 17.1 By Bernd Debusmann; Tom Bateman; Tom McArthur (Hulyo 14, 2024). "Thomas Matthew Crooks: What we know about the Trump attacker". BBC. Nakuha noong Hulyo 14, 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Loh, Matthew (Hulyo 14, 2024). "The man who photographed a bloodied and defiant Trump says he 'knew it was a moment in American history that had to be documented'". Business Insider. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 14, 2024. Nakuha noong Hulyo 14, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Solender, Andrew; Kight, Stef W. (Hulyo 13, 2024). "GOP lawmakers rally around image of bloodied Trump". Axios. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 14, 2024. Nakuha noong Hulyo 14, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "Bold and Bloodied Trump Seizes the Moment After Being Shot". Bloomberg. Hulyo 14, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Estados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.