Ang tamaraw (Bubalus mindorensis; dating Anoa mindorensis) ay isang bovine (wangis-baka). Kabilang ang ungguladong mamalyang ito sa pamilyang Bovidae na endemiko sa pulo ng Mindoro sa Pilipinas, bagaman pinaniniwalaan din na namuhay ito sa pulo ng Luzon. Unang natagpuan sa buong Mindoro, mula kapatagan hanggang sa kabundukan (2000 metro sa ibabaw ng antas ng dagat), ngunit dahil sa paglawak ng tirahan ng mga tao, pangangaso at pagtrotroso, may iilan lamang ang natira sa mga walang nakatira at madamong lugar, kaya nanganganib na ngayon ito. Salungat sa karaniwang paniniwala at nakaraang klasipikasyon, hindi sub-uri ang tamaraw ng kalabaw, na mas malaki lamang ng kaunti. May mga ilang pagkakaiba ito sa kalabaw: ang tamaraw ay mas mabuhok ng kaunti, may mga maliwanag na marka sa kanyang mukha at may mas maikling mga sungay na parang titik V. Ito ang pinakamalaking katutubong panlupang mamalya sa bansa. Tinuturing na pambansang simbolo ng Pilipinas ang tamaraw. Makikita ang larawan ng tamaraw sa mga baryang Piso noong 1980 hanggang sa unang bahagi ng 1990. May anyong pangkaraniwan sa pamilyang kinabibilangan nito (ang Bovidae) ang Bubalus mindorensis. May siksik, mabigat na kayarian, wangis-bakang katawan, apat na mga hitang nagtatapos sa mga unguladong paa at isang maliit, nasusungayang ulo sa hangganan ng maliit na leeg. May maliit ito at masiksik kung ihahambing sa Asyatikong pantubig na kalabaw (Bubalus bubalis).
Naglabas ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ng mga litrato kaugnay sa "mapuwersa, agresibo at barbarikong aksyon" ng Tanod Baybayin ng Tsina noong misyong humanitaryong at muling-pagtustos nila sa BRP Sierra Madre sa Buhanginan ng Ayungin.
Nagpasa ang Parlamentong Italyano ng batas na ginagawad ang mas maraming awtonomiya sa mga rehiyon ng Italya kasunod ng isang gabi ng pagtatalo. Nagpahayag ang oposisyong Partido Demokratiko at dating Punong Ministro Matteo Renzi ng pagtutuol sa batas, na naglunsad ang huli ng isang kampanya upang ipuwersa ang isang reperendum.
Idineklera ng Pangulo ng Timog Korea na si Yoon Suk Yeol ng 'emerhensiya sa pambansang demograpiko'.
Alam ba ninyo
... na unang inilagak ang labi ni Jose Rizal sa Liwasang Paco bago ito nailipat sa bahay ng kapatid niyang si Narcisa at kalaunan, sa Liwasang Rizal?
... na maaring makuha ang langis ng niyog sa dalawang uri ng proseso: basa o tuyo?
... na nakakahawa ang pagtawa, (nakalarawan ang batang tumatawa) at maaaring magdulot ang pagtawa ng isang tao ng pagtawa mula sa iba bilang positibong tugon?
Kapihan – Puntahan ng pamayanan ng mga patnugot upang talakayin ang mga pangkalahatang paksa o tanong tungkol sa mga alalahanin sa at iba pang aspeto ng Tagalog na Wikipedia.
Napiling Artikulo – Pahinang lapagan para sa mga tinampok na artikulo sa Tagalog na Wikipedia.