(Go: >> BACK << -|- >> HOME <<)

Pumunta sa nilalaman

Sanlibutan: Pagkakaiba sa mga binago

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Content deleted Content added
m robot dinagdag: scn:Universu binago: be-x-old:Сусьвет
AiraBot (usapan | ambag)
m sa ngalan ni Felipe Aira, nagsatagalog ng mga kawing sa mga ngalan-espasyp
Linya 1: Linya 1:
[[Image:Hubble ultra deep field.jpg|thumb|right|Isang bahagi ng ''mapagmamasdang sanlibutan''.]]
[[Larawan:Hubble ultra deep field.jpg|thumb|right|Isang bahagi ng ''mapagmamasdang sanlibutan''.]]
Sa [[astronomiya]], ang '''sanlibutan'''<ref name=JETE>{{cite-JETE|Santlibutan, ''the universe'', santinakpan, sadaigdigan, sandaigdig, sansinukob}}</ref> ay ang "lahat ng naririyan sa labas."<ref>Salin ng Ingles na: "''everything out there.''"</ref> Nilalaman nito ang [[araw]], ang lahat ng mga [[buntala]] kabilang ang [[Daigdig]], ang lahat ng mga [[galaksiya]], at lahat ng nasa [[kalawakan]]. Napakalaki nito kung kaya't [[sinusukat]] ito ng mga [[siyentipiko]] sa pamamagitan ng [[bilyun]]-[[bilyon]]g mga [[taong-liwanag]] - ang layo ng nalalakbay ng liwanag sa loob ng isang [[taon]]. Para makapaglakbay habang lulan ng isang sasakyang pangkalawakan, na ginagamit ang pangkasalukuyang kaalaman, aabutin ng mga [[daantaon]] bago marating ang pinakamalapit na [[bituin]]. Sa pagitan ng mga bituin at mga galaksiya, halos walang laman at napakalamig.
Sa [[astronomiya]], ang '''sanlibutan'''<ref name=JETE>{{cite-JETE|Santlibutan, ''the universe'', santinakpan, sadaigdigan, sandaigdig, sansinukob}}</ref> ay ang "lahat ng naririyan sa labas."<ref>Salin ng Ingles na: "''everything out there.''"</ref> Nilalaman nito ang [[araw]], ang lahat ng mga [[buntala]] kabilang ang [[Daigdig]], ang lahat ng mga [[galaksiya]], at lahat ng nasa [[kalawakan]]. Napakalaki nito kung kaya't [[sinusukat]] ito ng mga [[siyentipiko]] sa pamamagitan ng [[bilyun]]-[[bilyon]]g mga [[taong-liwanag]] - ang layo ng nalalakbay ng liwanag sa loob ng isang [[taon]]. Para makapaglakbay habang lulan ng isang sasakyang pangkalawakan, na ginagamit ang pangkasalukuyang kaalaman, aabutin ng mga [[daantaon]] bago marating ang pinakamalapit na [[bituin]]. Sa pagitan ng mga bituin at mga galaksiya, halos walang laman at napakalamig.


Linya 9: Linya 9:
{{reflist}}
{{reflist}}


[[Category:Astronomiya]]
[[Kaurian:Astronomiya]]
[[Category:Sanlibutan]]
[[Kaurian:Sanlibutan]]


[[ar:فضاء كوني]]
[[ar:فضاء كوني]]

Pagbabago noong 13:14, 1 Disyembre 2008

thumb|right|Isang bahagi ng mapagmamasdang sanlibutan. Sa astronomiya, ang sanlibutan[1] ay ang "lahat ng naririyan sa labas."[2] Nilalaman nito ang araw, ang lahat ng mga buntala kabilang ang Daigdig, ang lahat ng mga galaksiya, at lahat ng nasa kalawakan. Napakalaki nito kung kaya't sinusukat ito ng mga siyentipiko sa pamamagitan ng bilyun-bilyong mga taong-liwanag - ang layo ng nalalakbay ng liwanag sa loob ng isang taon. Para makapaglakbay habang lulan ng isang sasakyang pangkalawakan, na ginagamit ang pangkasalukuyang kaalaman, aabutin ng mga daantaon bago marating ang pinakamalapit na bituin. Sa pagitan ng mga bituin at mga galaksiya, halos walang laman at napakalamig.

Kosmolohiya ang tawag sa agham na nag-aaral sa pinagmulan ng sanlibutan, kung paano ito nagbabago, at kung ano ang hinaharap nito. Sa pagdaan ng kasaysayan, nagkaroon ng iba't ibang teoriya hinggil sa orihen ng sanlibutan, ngunit ang panukalang tinatanggap ng karamihan sa mga nag-agham ay ang tinatawag na Malaking Pagsabog (o Big Bang sa Ingles). Sinasabi sa panukalang ito na dating masinsin ang sanlibutan, at sadyang nasundan ng paglawak (ito ang "pagsabog" o bang) matagal na panahon na ang nakalalipas. Sa paglipas ng kasaysayan, maraming mga tao ang nakaisip ng mga ideyang nagpapaliwanag kung paano nagkaroon ng sanlibutan. Tinatawag na mga pananampalataya o relihiyon ang mga paliwanag na may kaugnayan sa mga diyos. Hindi pa rin natitiyak ang tunay na kasagutan kaya't ang tanong na ito hinggil sa pinagsimulan ng sanlibutan ang paksang pinakabibigyan ng pansin ng sangkatauhan.

Bagaman tinatawag ang sanlibutan bilang "lahat ng mga bagay na may katawan at umiiral": ang kabuoan ng kalawakan at panahon, lahat ng anyo ng materya (mga bagay na umuukupa sa espasyo at may bulto o masa), enerhiya at momentum, at mga batas na nauukol sa katawan at mga di-pagbabagong pisikal na namamahala sa kanila. Ngunit, maaari ring gamitin ang salitang sanlibutan sa ilang mga diwang may bahagyang kaibahan, na nagpapahiwatig sa konseptong kosmos, ang daigdig, o ang kalikasan. Tinatawag ding uniberso, sandaigdigan, sandaigdig, sansinukob, at sansinukuban ang sanlibutan.[1] Sa Bibliya, ito ang tinutukoy sa mga katagang "mga langit at lupa" sapagkat walang katumbas sa wikang Ebreo, isa sa mga pinagbatayan ng mga salin ng mga aklat na nasa Bibliya, ang salitang sanlibutan o uniberso. Dahil dito, palaging ginagamit sa Ebreo ang katagang "mga langit at lupa" para sa sanlibutan. At bilang dagdag, tatlo ang itinuturing na langit sa Ebreo: una, ang nasa itaas ng kalawakan; pangalawa, ang mismong kalawakan; at pangatlo, ang papawirin. Bagaman, kaugnay ng huli, wala ring katumbas sa Ebreo ang salitang papawirin. At sinasabi din na akmang-akma ang mga katawagang sansinukob at santinakpan ng Tagalog sa kaisipang Ebreo.[3]

Sanggunian

  1. 1.0 1.1 English, Leo James (1977). "Santlibutan, the universe, santinakpan, sadaigdigan, sandaigdig, sansinukob". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Salin ng Ingles na: "everything out there."
  3. Abriol, Jose C. (2000). ""Mga langit at lupa," "Sansinukob, santinakpan," at "Papawirin," mula sa mga talababa bilang 1, 6, at 20, Ang Paglalang sa Sanlibutan, Kauna-unahang Kasaysayan, Henesis 1". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)